Patuloy ang pagbaba ng COVID-19 reproduction number sa National Capital Region ayon sa OCTA Research group.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David bumagsak sa 1.03 ang reproduction number sa NCR mula September 15 hangang 21.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng tao na nahahawaan ng bawat isang kaso ng COVID-19.
Maliban dito sinabi ni David na nagtala din ang rehiyon ng negative 18 (-18) one-week growth rate.
Una nang sinabi ni David na posibleng nasa huling bahagi na ang Metro Manila sa laban nito kontra sa mas nakakahawang delta variant matapos ang patuloy na pagbaba ng reproduction number ng COVID-19 cases.