COVID-19 recoveries, higit 1-M na; Deaths pumalo na sa 18k

Lampas na isang milyon o 1,003,160 ang kabuoang bilang ng mga pasyenteng nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa, matapos maitala ang 4,227 na mga bagong recoveries.

Kaugnay nito, pumapalo naman sa 1,087,885 ang kabuoang bilang ng infections, matapos maitala ng Department of Health ang 7,733 na mga bagong kaso.

Sa ngayon, nasa 66,626 o halos 6.1% ng COVID-19 total ang nananatiling active, kung saan 94.4% ang nakaranas ng mild symptoms, 2% ang walang sintomas, 1.5% ang severe symptoms, 1.1% ang nasa kritikal na kondisyon habang 0.98% ang moderate cases.

Samantala, 108 pa ang mga naitalang bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 18,099 o 1.66% ng case count. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *