Bagong kaso ng COVID-19 sa NCR bawat araw, 56% na mas mababa na

Ibinahagi ng OCTA Reseach Group na ang average na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay nasa 2,454 nalang, 56 percent na mas mababa kumpara sa bilang na naiulat noong kasagagan ng surge.

Ang figure umano ay saklaw ang mga kaso mula April 30 hanggang May 6.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Ayon sa OCTA Research, naobserbahan nila ang patuloy na downward trajectory para sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Dagdag ng mga ito, ang kasalukuyang bilang ng mga karagdagang kaso bawat araw sa rehiyon ay kaparehong level mula noong March 12 hanggang 18.

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Sinabi naman ng research group na ang reproduction number sa NCR ay bumaba sa 0.70 habang ang reproduction number sa bansa ay nasa 0.86. // MHEL PACIA