COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, tuloy sa pagbaba ayon sa OCTA Research

Bumaba pa sa 11.5% ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa huling ulat ng OCTA Research, sinabi ni Dr. Guido David na mula sa 13.9% na positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong December 17 – bumaba na lamang ito sa 11.5% nitong December 24.

Sa kabila nito, nakapagtala naman ng ‘significant increase’ sa ilang mga lugar kabilang na sa Albay na sumipa sa 35.4% mula sa 23.3%; Ilocos Sur na umakyat sa 44.8%, mula sa 30.6%; 41.7% na positivity rate sa Kalinga, mula sa 26.2%; at Pampanga na tumaas sa 17% ang positivity rate, mula sa 12.5%.

Samantala, nananatiling mataas ang positivity rates sa Camarines Sur na mayroong 27.3%; Isabela sa 21.2%; Nueva Ecija sa 34.8%; at Rizal sa 23.4%.
#