Covid-19 isolation facility sa Tacurong, nakapagtala ng zero admission!

KORONADAL CITY — WALANG admission na naitala nitong mga nakaraang araw ang ilan sa mga isolation facilities sa lungsod ng Tacurong ayon sa City Health Office o CHO.

Kinumperma din ng CHO na gumaling at naka-uwi na sa kani-kanilang mga bahay ang mga naka-admit na mga Covid-19 patients sa Crown V Center.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang Crown-V Center ang nangungunang pasilidad sa Tacurong para sa mga pasyenteng nag-popositibo sa Covid-19 at sa mga

nangungunang pasilidad sa Tacurong para sa mga pasyente na nagpopositibo sa Covid-19 at mga asymptomatic o nakaranas lamang ng mild symptoms.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa ngayon, hindi na umano okupado ang lahat na silid ng nabanggit na isolation facility.

Samantala nasa 10 na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod ng Tacurong. Patuloy namang inaanyayahan ng city government ang publiko na sumunod sa health protocols at magpabakuna laban sa Covid-19.