BICOL—Tatlong araw matapos na tumuntong sa lagpas 31,000 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region ay pumalo na ito ngayon sa 32,236.
515 ang nadagdag noong Sabado habang 442 naman nitong Linggo. Dahil dito ay sumipa rin sa 8,785 (27.25%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.
Sa pinakahuling ulat kahapon, nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 215 kung saan 41 nito ay mula sa Naga City, 24 sa Magarao, 18 sa Camaligan, 14 sa Tinambac, tig 12 ang Baao, Lupi at Nabua, 11 sa Lagonoy, tigsampo ang Canaman at Pili, walo sa Sagñay, pito sa Iriga City, tig-aapat ang Garchitorena, Milaor, Sipocot at Tigaon, tigtatlo ang Ragay at San Jose, tigdadalawa ang Bombon, Buhi, Calabanga at Ocampo at tig-iisa ang Balatan, Bato, Cabusao, Goa, Libmanan at Minalabac.
89 ang bagong kaso sa Masbate kung saan 20 nito ay mula sa Masbate City, 14 sa Claveria, 12 sa Mandaon, sampo sa Mobo, anim sa Pio V Corpuz, tiglilima ang Batuan, Milagros at San Fernando, tigtatlo ang Baleno at Uson, dalawa sa Cawayan at tig-iisa ang Cataingan, Dimasalang, Esperanza at San Jacinto.
72 ang bagong kaso sa Albay kung saan 19 nito ay mula sa Camalig, tig siyam ang Guinobatan at Legazpi City, walo sa Ligao, tig-aanim ang Daraga, Tabaco City at Tiwi, apat sa Libon, tigdalawa ang Malinao at Polangui at isa sa Jovellar.
Umabot naman sa 58 ang bagong kaaso sa Sorsogon kung saan 15 nito ay mula sa Sorsogon City, siyam sa Donsol, tiglilima ang Gubat, Juban at Magallanes, tigtatatlo ang Bulan, Casiguran, Irosin at Pilar, tigdalawa ang Matnog at Prieto Diaz at tig-iisa ang Bulusan, Castilla at Sta. Magdalena.
Pito ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan tigdadalawa ang Bato, San Andres at Virac at isa sa Bagamanoc.
Zero new case naman ang lalawigan ng Camarines Norte habang may isang naitalang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Dasmariñas, Cavite.
Samantala, umabot na sa 22,418 (69.54%) ang total recoveries matapos makapagtala ng 119 na mga bagong gumaling kung saan 53 nito ay mula sa Sorsogon, 50 sa Masbate at 16 sa Catanduanes.
Pumalo na rin sa 1,033 (3.20%) ang death toll matapos madagdagan ng walong panibagong nasawi kung saan apat nito ay mula sa Albay at tigdalawa ang Camarines Sur at Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm