BICOL—Mahigit isanlibong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Bicol region sa nagdaang tatlong araw kung kaya sumampa na sa 30, 186 ang total cases ng sakit sa rehiyon.
Ngayong araw ay panibagong 395 infections ang naiulat ng Department of Health (DOH) Bicol kung saan nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 178.
Sa mga kasong ito, nagtala ng record high na 34 na bagong kaso ang bayan ng Ragay, 18 sa Buhi, tig-16 ang Naga City at Sagñay, tig 11 ang Cabusao at Lagonoy, siyam sa Nabua, tigwalo ang Pasacao at Pili, tiglima ang Bombon at Canaman, tig-apat ang Bula at Minalabac, tigtatatlo ang Baao, Del Gallego, Pamplona at Iriga City, tigdadalawa ang Camaligan, Gainza, Goa, San Fernando at Tigaon at tig-iisa ang Bato, Calabanga, Libmanan, Lupi, Magarao, Sipocot at Tinambac.
Ang Albay ay nagtala ng 120 na bagong kaso, pinakamataas ngayong Setyembre kung saan 21 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 18 sa Polangui, 12 sa Daraga, tigsampo ang Camalig at Tabaco City, siyam sa Ligao City, tigpito ang Bacacay at Guinobatan, anim sa Malilipot, tiglima ang Malinao at Tiwi, tigtatlo ang Libon at Oas, dalawa sa Pio Duran at tig-isa ang Jovellar at Manito.
33 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan siyam ang mula sa bayan ng Jose Panganiban, tigpipito ang Daet, Labo at Vinzons at tig-iisa ang Basud, Mercedes at San Lorenzo Ruiz.
Ang Sorsogon ay may 29 na bagong kaso kung saan 14 nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang Bulan at Irosin, tigdadalawa ang Bulusan, Magallanes at Pilar at tig-iisa ang Barcelona, Casiguran at Gubat.
25 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan tigpito ang San Andres at Virac, apat sa San Miguel, tatlo sa Viga, dalawa sa Panganiban at tig-isa ang Bagamoc at Baras.
Anim na kaso naman ang nadagdag sa Masbate kung saan dalawa nito ay mula sa Masbate City at tig-iisa ang Aroroy, Cataingan, San Fernando at San pascual habang mayroon ding apat na nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.
Samantala, pumalo na sa 21,977 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 165 na panibagong gumaling kung saan 57 nito ay mula sa Naga City, 50 sa Masbate, 23 sa Sorsogon, 19 sa Camarines Sur at 16 sa Catanduanes.
Pumalo na rin sa 1,011 ang death toll matapos madagdagan ng apat na panibagong nasawi kung saan tatlo nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Camarines Norte.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm