COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 24.9k; record high para sa buwan ng Agosto naitala nitong Sabado

BICOL—Nagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang Bicol region nitong weekend kung saan umabot sa 352 ang bagong kaso noong Sabado habang 244 naman nitong araw ng Linggo.

Ang naitalang kaso noong Sabado ang konsideradong pinakamataas para sa buwan ng Agosto. Bunsod nito ay pumalo na sa 24,986 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon. 4,141 (16.57%) pa nito ang aktibong kaso.

Sa huling tala kahapon, umabot sa 98 ang kasong nadagdag sa Camarines Sur kung saan 25 nito ang naitala sa Naga City, tig-13 ang bayan ng Calabanga at Caramoan, tigsampo ang bayan ng Pili at Nabua, anim sa bayan ng Bula, tigtatatlo ang mga bayan ng Minalabac, Pasacao at Tinambac, tigdadalawa ang mga bayan ng Goa, Lagonoy at Libmanan at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Canaman, Pamplona, Presentacion, Ragay at lungsod ng Iriga.

58 na kaso ang naitala sa Masbate kung saan 19 ang mula sa bayan ng Uson, 16 sa Masbate City, siyam sa bayan ng Mandaon, apat sa Cataingan, tatlo sa Dimasalang, tigdalawa an gang Esperanza at Mobo at tig-iisa ang mga bayan ng Balud, Milagros at Palanas.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

36 na bagong kaso ang naitala ng Sorsogon kung saan 25 nito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Bulan, dalawa sa Juban at Prieto Diaz at tig-iisa ang Castilla, Gubat, Irosin at Matnog.

31 bagong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan 15 nito ay mula sa bayan ng Labo, pito sa bayan ng Daet, tigtatlo ang bayan ng Basud at Sta. Elena at tig-iisa ang mga bayan ng Jose Panganiban, Talisay at Vinzons.

13 kaso ang naitala sa Catanduanes kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Virac, apat sa bayan ng Viga, tatlo sa Bagamanoc at isa sa bayan ng Bato.

Ang lalawigan ng Albay ay may pitong bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Camalig, dalawa sa bayan ng Daraga at isa sa Tabaco City habang isang kaso naman mula sa labas ng Bicol ang naitala na galing sa lalawigan ng Bulacan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kung babalikan naman ang mga kaso noong Sabado, 95 ang nadagdag sa Camarines Sur, 92 sa Masbate, 68 sa Camarines Norte, 52 sa Sorsogon, 37 sa Albay at pito sa Catanduanes habang isa naman ang mula sa Sampaloc, Manila.

Samantala umabot na sa 19,905 (79.66%) ang total recoveries matapos madagdagan ng 24 nitong Linggo habang 940 (3.76%) na ang death toll matapos magtala ng apat na panibagong nasawi.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm