COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa 32,677 matapos magtala ng 441 na bagong kaso

BICOL—Pumalo na sa 32, 677 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 441 na mga bagong kaso ngayong araw.

Nagtala ng pinakamaraming bagong kaso ang Camarines Sur na umabot sa 314 kung saan 85 nito ay mula sa Naga City, 53 sa Calabanga, 27 sa San Jose, tig 17 ang Caramoan at Libmanan, 14 sa Camaligan, 13 sa Pasacao, 12 sa Pili, sampo sa Goa, tigsiyam ang Milaor at San Fernando, walo sa Gainza, tig-anim ang Bato at Bula, tig-aapat ang Minalabac, Nabua at Siruma, tigtatlo ang Papmplona at Tinamabac, tigdalawa ang Buhi at Sagñay at tig-iisa ang Baao, Bombon, Canaman, Magarao, Presentacion at tigaon.

Ang Camarines Norte ay nagtala ng 60 bagong kaso kung saan 16 nito ay mula sa bayan ng Vinzons, siyam sa Daet, tigwawalo ang Jose Panganiban, Labo at Talisay, tigtatlo ang Mercedes at Paracale, dalawa sa Caplaonga at tig-iisa ang San Lorenzon Ruiz at Sta. Elena.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

43 ang mga bagong kaso sa Albay kung saan tigpipito ang Bacacay, Libon at Malilipot, anim sa bayan ng Sto. Domingo, apat sa Manito, tigdalawa ang lungsod ng Legazpi at Tabaco, dalawa sa Ligao at tig-iisa ang Camalig, Daraga, Guinobatan at Malinao.

Ang Masbate ay may 19 na bagong kaso kung saan lima nito ay mula sa Masbate City, tatlo sa Mobo, tigdadalawa ang Baleno, Cawayan, Placer at San Jacinto at tig-iisa ang Aroroy, Cataingan at Pio V. Corpuz.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dalawa ang bagong kaso sa Sorsogon na kapwa mula sa bayan ng Donsol, zero new case ang Catanduanes habang mayroong tatlong nagpositibo na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, pumalo na sa 22,551 ang total recoveries matapos madagdagan ng 133 na mga bagong gumaling kung saan 82 nito ay mula sa Sorsogon, 42 sa Masbate at siyam sa Catanduanes.

Pumalo na rin sa 1,037 ang death toll matapos magtala ng apat na panibagong nasawi na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm