COVID-19 cases sa Albay, bumaba na sa 4; mga nagpositibo, lahat bakunado

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office (PHO) na apat na lamang ang naitalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Sa datos na inilabas kahapon, dalawa ang nagpositibo sa Tabaco City, habang pareho namang tig-iisa sa Malinao at Legazpi City.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dalawa sa mga ito ang asymptomatic, at sa ngayon ay inaalam pa ang kanilang mga staus.

Samantala, lahat naman ng mga nagpopositibo ay bakunado.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Mapapansin, halos unti-unting bumababa ang kaso ng sakit sa lalawigan, subalit paalala pa rin ng nasabing tanggapan na sumunod sa mga health protocols upang tuluyan nang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.