COVID-19 Alert level sa bansa nasa status quo ayon sa Malacañang

Inanunsiyo ng Malakanyang na nasa status quo ang lahat ng alert levels sa bansa kaugnay sa COVID-19 restrictions.

Ibig sabihin, Alert Level 1 pa rin ang iiral sa Metro Manila at ilang mga lugar sa bansa tulad nang naunang itinakdang alert level sa mga rehiyon, simula noong July 1 hanggang kahapon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ito ay matapos hindi makapaglabas ng panibagong alert level ang Inter-agency Task Force (IATF) bago ang July 15.

Sa isang pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles mananatili ang kasalukuyang alert level sa bansa hangat walang inilalabas na announcement ang IATF.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sinabi ng Palace spokesman na nakatakdang magpulong ang IATF sa Lunes, July 18 para i-review ang naturang usapin.

Nabatid na sa unang statement ng Malakanyang tiniyak nitong mananatili ang IATF sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.