Counter-intelligence operation, palalakasin ng PNP

Palalakasin ng Philippine National Police ang kanilang counter intelligence operation para matukoy ang mga pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mahigit isang daang pulis na ang nasibak sa serbisyo hanggang ngayong Pebrero dahil sa iba’t-ibang kaso.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Hindi pa kasama rito ang sampung pulis na nasibak din sa serbisyo dahil sa umano’y illegal arrest ng ilang Chinese nationals sa Parañaque City noong Setyembre nakaraang taon.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Ayon kay Col. Fajardo, Ito’y magsisilbing babala na seryoso ang Pambansang Pulisya sa paglilinis sa kanilang hanay.