Coron, Champion sa 1st Sps Governor’s Cup Inter-Municipality 21u Basketball League 2023

Itinanghal na kampeon ang koponan ng Coron, Palawan sa katatapos lang na SPS Governor’s Cup Inter-Municipality 21u Basketball League 2023 final.

Ginanap ito kagabi sa compound ng PGP Convention Center, Capitol Compound sa Puerto Princesa.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Tinalo ng Coron ang bayan ng Taytay sa iskor na 78-74 sa Game 2 sa best of three Finals.

Sa huling labindalawang (12) segundo ng laro, naging dikit pa ang laban ng dalawang magagaling na koponan sa 76-74 pero hindi iyon naitabla ng Estrella del Norte.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kaugnay nito, nag-uwi ang Coron ng P500k cash prize habang P300k ang premyo ng Taytay na 1st runner up.