Cong. Lagman, ipinaliwanag ang patungkol sa divorce bill

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ni Congressman Edcel Lagman ang tungkol sa isang panukalang batas na nagsusulong na magkaroon ng divorce sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa kongresista, sinabi niyang naipasa na umano ang panukalang ito ngunit “subject” pa rin sa resulta ng rekomendasyon.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kung pag-uusapan umano ang proseso, inihayag niyang sa ngayon ay nasa halos 80% na umano ito sa komitiba, at sa darating na Huwebes, magkakaroon ng pag-uusap ang technical working group, kung saan, siya ang nangunguna, upang magkaroon ng reconciliation sa lahat ng mga panukala na ma-aprubahan na.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya, mas maagang naaksyunan ngayon ng komitiba ang panukalang ito kung ikukumpara sa mga nauna, at sa tingin niya, bago sila magkaroon ng Lenten Break ay nai-deliberate na ito sa plenaryo.

Samantala, tatlo umano ang counterpart nito sa senado kung kaya’t umaasa siyang maipasa na ito sa house of representatives maging sa senado.