Cong Duterte: huwag ibenta ang kaluluwa kapalit ng suporta sa People’s Initiative

Pinayuhan ni Davao City First District Representative Paolo Duterte ang kanyang mga nasasakupan na huwag ibenta ang kaluluwa sa kakarampot na halaga kapalit ng pagsuporta sa Charter Change.

Ayon kay Duterte, may impormasyong nakarating sa kanya na nangunguna si PBA Party-list Representative Margarita Nograles sa pagsusulong ng People’s Initiative sa Davao City.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Apela ng dating presidential son sa constituents, hindi dapat ipagpalit ang pirma sa halagang isandaang piso o sampung libong piso.

Iginiit din ni Duterte na tutol siya sa People’s Initiative dahil hindi umano ito boses ng mamamayan kundi ng iilan lamang na nais manatili sa kapangyarihan.

Kasabay nito ay ibinunyag ni Duterte na nasa 500 million pesos lamang ang inilaang pondo ng Kamara sa kanyang distrito ngayong taon.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

May nagsabi umano sa kanya na may mga senador na kinausap upang huwag maglagay ng proyekto sa kanyang distrito.

Wala pang sagot ang Office of the Speaker sa isiniwalat ni Duterte habang ayon sa kampo ni Nograles ay nasa Estados Unidos pa ito.