‘Confidential funds’ ng DepEd, dinepensahan

Dumipensa ngayon ang Department of Education para sa ‘confidential funds’ na inilan nito para sa hiling na 2023 budget.

Ito ay makarang kuwestyunin ng ilang mga mambabatas ang P150Million na halaga ng pondo ara sa umano’y mga ‘security-related’ funding ng Kagawaran.

Sa isang pahayg, sinabi ng DepEd na hindi lamang ang pagtitiyak ng ‘quality education’ ang kailangang pagtuunan ng pansin ng tanggapan.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Anila, marami pa raw mga problemang kinahaharap ang Kagawaran, dahilan para paglaanan nila ito ng pondo.

Kabilang na umano sa mga banta sa learning environment ay ang seguridad at kaligtasan ng mga learners.

Kabilang na rito ang sexual abuse, iligal na droga, at iba pang mga krimen na maiiwasan sa pamamagitan ng suporta ng surveillance at intelligence gathering na nakapaloob sa ‘confidential funds’.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Samantala, dumipensa rin ang DepEd sa zero-budget allocation para sa kanilang special education programs.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng tanggapan na hindi nila sinadyang mawalan ng pondo ang SpEd program.

Sadya lang daw talagang hindi ito nakunsidera sa Naitonal Expenditure Program.
#