Compliance level ng single use of plastic bags sa Naga City nasa 85% na

NAGA CITY – Nasa 85% na ang compliance level ng paggamit ng single use of plastic bags sa Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent Ramon Florendo ng Naga City People’s Mall, wala pang nai-record na lumabag sa ipinatutupad at regulated na Single Use of Plastic Bags Ordinance sa lungsod dahil halos nakakasunod maging ang mga mamimili , ang lalabag sa nasabing ordinansa ay bibigyang karampatang penalidad.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kasama ang Solid Waste Management Office (SWMO), patuloy silang nangangampanya sa bawat barangay, maliban pa sa mga residente ng lungsod, hinihikayat rin ang mga residente sa labas ng Naga na namimili sa NCPM na magdala at gumamit na lamang ng eco bag, basket o bayong sa pamimili bilang kapamaraanan na rin na mabawasan ang paggamit ng plastic sa lungsod ng Naga.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte