Communication allowance ng mga guro itataas sa P2k mula sa kasalukuyang P1,500

CAMARINES NORTE – Itatas ng Provincial Government ang communication allowance ng mga guro sa lalawigan ng Camarines Norte na mula sa kasalukuyang P1,500 ay gagawin na itong dalawang libong piso.

Ito ang inanunsiyo ni Provincial Administrator Don Eduardo Padilla, anak ni Governor Ricarte “Dong” Padilla sa Teacher’s day celebration ng Schools Division Office na ginanap kahapon sa Eco Athletic Field dito sa Daet.

Kasunod yan ng ginawang review ng provincial government sa natitira pa nitong budget.

Pahintay na lamang daw ng karagdagan pang announcement patungkol dito.

Sa naturang okasyon ay nagpaabot din ng pagbati ang Provincial Government sa mga guro at kinilala ang sakripisyo ng mga ito.

Sa mensahe ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na binasa ng kaniyang  anak, sinabi nito na hindi lamang tagapaghatid ng kaalaman ang mga guro kundi nagbibigay ng inspirasyon sa mga pangarap at ambisyon ng mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *