Comelec, tiniyak na hindi na mararanasan sa susunod na eleksyon ang mga problema ngayong 2022 polls

Tiniyak ng Commission on Elections na hindi na mararanasan sa 2025 elections ang mga problema na naranasan sa katatapos na halalan.

Aminado si Comelec Commissioner George Garcia na kabilang sa mga naranasang problema ngayong 2022 elections ang mahabang pila ng mga botante sa mga polling precinct at ang maraming VCM na hindi gumana nang maayos.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Giit ni Garcia na kung papalarin siyang nasa komisyon pa sa susunod na halalan ay hindi na siya papayag na muling maranasan ng sambayanan ang mga challenges na ito.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Una nang kinumpirma ni Garcia na umabot sa mahigit 1,800 VCMs ang nag-malfunctioned kahapon.

Aminado din siyang nagdudulot ng pagdududa sa integridad ng proseso ang mga ganitong problema pero iginiit niyang wala namang may gusto ng mga ganitong problema.#(LEO NAVARRO – MALICDEM)