Comelec, paaamyendahan ang batas sa Voter’s Registration

Nangako ang Commissions on Elections na ipa-aamiyenda nito ang batas na may kinalaman sa pagpaparehistro ng mga botante.

Ito ay makalaraang ulanin ng reklamo ang poll body ng mga botanteng na-deactivate sa darating na halalan gayong mayroon namang mga aktibo pa rin ang voter status kahit pumanaw na.

Sa isang panayam, tiniyak ni Comelec Commisisoner George Garcia na pamamdaliin nito ang pag-amiyenda sa Republic Act 8189 o ang Voter’s Registration Act of 1996.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Giit ng opisyal, sadya raw talagang maraming ‘loophole’ ang batas na ito at kinakailangan nang baguhin.

Pagtitiyak ni Garcia, matapos lang ang eleksyon ngayong Mayo ay uumpisahan na nito ang mga hakbang para sa pagbabago ng batas sa voter’s registration.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Samantala, aminado ang opisyal na mayroon ding pagkukulang ang kanilang mga local field offices pagdating sa isyu ng deactivation.

Paliwanag nito, mayroong ilang mga local field personnel na kaagad nagdedeactivate ng mga botante.

Siniguro naman nitong aalamin ng poll body kung sino ang nagpabaya at may pagkukulang sa isyu na ito.
#