Comelec, nakapagtala ng higit 100 special action cases

Kabuoang 104 special action cases ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) bilang bid na ideklara ang ilang mga aspirants para sa 2025 national and local elections na mga nuisance candidates.

Sa ulat ng Comelec, lahat ng 104 petitions ay nananatili pang nakabinbin.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Bukod pa rito ang 117 special action cases motu proprio ng ahensya para rin ideklara ang ilang kandidato na nuisance.

Samantala, mayroon ding 24 special action cases na nai-file para sa kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) ng ilang aspirants, at isa naman para sa disqualification.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kabuoan, nakatanggap ng 246 special action cases ang Comelec na may kaugnay sa 2025 midterm elections.