COMELEC En Banc, pinaboran ang reklamo ng isang Kag. Sa Tupi sa maling bilang ng boto na nakuha nito; opisyal, nanumpa na

KORONADAL CITY – NANUMPA bilang pagka-Kagawad ng Barangay Cebuano, Tupi, South Cotabato si Kagawad Jonex Javellana matapos na nakapalabas na ng desisyon ang COMELEC En Banc na pumapabor kay Javellana dahil sa maling pagbibilang ng kaniyang boto noong nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2023.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Javellana, inihayag nito, na umaabot sa anim na buwan ang kaniyang hinintay sa desisyon simula ng kaniyang nai-file ang reklamo noong Nobyembre 03, 2023 kasabay din ng pag-amin ng mga Barangay Board of Canvassers o BBOC na mali ang kanilang pagbibilang ng buong nakuha na pondo ni Javellana.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting
Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Una nito, ini-lobby umano ng mga BBOC si Javellana na hindi na magfile ng reklamo laban sa kanila, ngunit paninindigan nito sa kaniyang interview na ito ang magfi-file ng kaso upang hindi na maulit pa ang pangyayari para sa iba pang mga kandidato na nag-iingat sa sagradong boto ng mga mamamayan na nagbigay ng tiwala sa kaniya.