Disqualified na ang kumpanyang Smartmatic bilang service provider ng Commission on Elections sa susunod na halalan.
Ayon sa Comelec apektado ang integridad ng halalan dahil sa isyu ng katiwalian sa kompanya.
Taong 2010 ng unang kunin ng Comelec ang Smarmatic para magsupply ng vote counting machines at iba pang gamit sa kauna-unahang automated elections sa bansa.
Kamakailan lang nadawit ang pangalan ng kumpanya sa isyu ng umano’y money laundering at panunuhol kay dating Comelec Chairperson Andres Bautista na iniimbestigahan ngayon sa Amerika.
Inakusahan si Bautista na nagtayo umano ng foreign shell company para paglagakan ng perang sinuhol sa kanya ng Smartmatic para piliin silang magsupply muli ng vote counting machines sa 2016 elections.
Bagama’t hindi pa napapatunay ang mga akusasyon iginiit ng Comelec na malaking dagok sa integridad ng halalan ang isyu kay Bautista at sa nasabing kumpanya.
Sinabi naman ng Smartmatic hindi pa nila natatanggap ang kopya ng resolusyon pero disappointed sila sa desisyon ng Comelec na-disqualified sila sa bidding.
Depensa pa ng Smartmatic, 23 taon ng malinis ang record ng kanilang kumpanya.
