COMELEC Chairman Garcia, may hamon sa mga kakandidato sa eleksyon

Hinamon ni Commissions on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang mga kakandidato sa darating na 2025 midterms elections na maging handa sa debate para maibahagi ang kanilang pananaw sa iba’t ibang isyu sa bansa.

Ito ay kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan nagpakita ng interes ang botante sa Pilipinas na marinig mula sa magiging kandidato sa 2025, kung paano sila makatutulong sa pagpaparami ng job opportunities, peace and order, internet access, tugon sa mass transportation at pagsugpo sa ilegal na droga.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ni Garcia ang pagkakaroon ng ‘sense of maturity’ ng mga Pilipino dahil sa pagpapakita ng interes sa issue-based campaign at hindi sa personality ng mga kakandidato.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa huli, umaasa si Garcia na hindi lamang sa filling ng Certificate of Candidacy makikita ang mga kakandidato at huwag matatakot ang mga ito sa debate upang maipakita sa publiko ang kanilang paninindigan.