CAMARINES NORTE – Bukas ang mga tanggapan ng Commission on Elections ngayong araw para sa mga maghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, kahit holiday ay tatanggap sila ng mga maghahain ng SOCE lalo’t malapit na ang deadline para dito.
Ang lahat umano ng mga kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong Oktubre nanalo man o natalo ay kinakailangang personal na mag- file ng kanilang SOCE at mga kalakip na dokumento sa tanggapan ng Election Officer kung saan ang mga ito naghain ng kandidatura.
Bukas ang mga opisina ng Comelec mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Ang filing ng SOCE ay hanggang sa November 29 ng taong kasalukuyan.
Paalala ni Abanes lalo na sa mga nanalong kandidato na pwedeng ideklarang bakante ang kanilang posisyon kapag hindi nakapaghain ng SOCE.
Mayroong umano finance unit ang Comelec Central Office na ang pinagtutuunan lang ng pansin ay ang pagbusisi sa mga isnumiteng SOCE.
