COMELEC-Bicol pinabulaanan ang mga alegasyon na umano’y may nangyaring dayaan sa kakatapos lamang na Halalan

BNFM BICOL – Pinabulaanan ng Commission on Election o COMELEC-Bicol ang mga kumakalat na impormasyon na umanoy nay nangyaring dayaan sa katatapos lamang na National and Local Election 2022.

Sa panayam ng Brigada News FM Bicol kay Regional Director Atty. Maria Juana Valeza, igiinit nito na walang katotohanan ang mga bali-balitang nagkaroon ng glitches ang mga SD Card sa mga VCM na dahilan upang mawala umano ang mga data. 

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ganunpaman, sinabi ni Valeza na nakahanda naman aniya ang kanilang ahensya kung sakaling may kandidatong umapela ng ‘recount.’

Samantala, patuloy pa rin umano silang tatanggap ng mga reklamo na may kinalaman sa ‘vote buying’ at kung sakaling ito’y mapatunayan gamit ang malakas na ebidensya, ay agad nila itong bibigyan ng kaukulang aksyon sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso sa sinumang kandidato na lumabag sa Omnibus guidelines kahit natalo o nanalo man ang mga ito.###

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City