Comelec- Basud walang naitalang aberya sa ginawang final testing and sealing ng mga VCM

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Commission on Elections na walang naitalang aberya sa ginawang final testing and sealing ng mga Vote Counting Machine (VCM) sa bayan ng Basud kahapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Election Officer IV Virgilio Veras isang daang porsiento umanong “functional” ang mga VCM sa 51 clustered precinct sa naturang bayan.

Ayon kay Veras sana raw ay magtuloy- tuloy ito hanggang sa mismong araw ng eleksyon upang maging maayos ang daloy  ng botohan.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ang Final testing and sealing ay nasaksihan ng ilang watcher mula sa ilang political parties at ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Nagbigay umano ng tagubilin ang Comelec sa mga miyembro ng Electoral Board na tingnang mabuti at alamin ang mga posibleng problema upang agad na magawan ng solusyon.

“Dun ako natutuwa dahil  in good condition, talagang walang naging problema o wala tayong nakitang depekto dun sa mga ginamit kaninang vote counting machines dun sa ginawa nating final testing and sealing.”

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Tiniyak rin ng opisyal na handa ang komisyon at kanilang technical team sakaling magkaroon ng problema ang mga VCM.

Simula rin kahapon ay nag deploy na ang PNP ng kanilang mga tauhan sa iba’t- ibang Voting Center para i- secure ang mga VCM.

Katuwang ng PNP ang AFP at mga opisyal ng Barangay at Tanod s apagbabantay.