Comelec, 100% nang handa para sa BSKE polls

Binigyang-diin ng Commission on Election (COMELEC) na wala umanong dahilan para ipagpaliban ang nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), dahil on track na lahat ang kanilang paghahanda.

Ayon kay COMELEC chairperson George Garcia – 100% nang handa ang tanggapan para sa naturang halalan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag ni Garcia, kompleto na ang pagbili ng election paraphernalia, at 50% sa 91 million ballots na kinakailangan ay naimprinta na rin.

Ang printing at verification naman ng mga balota ay makokompleto sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa ngayon, nasa 1.028 million Filipinos na ang nakapagparehistro sa nagpapatuloy na registration, na magtatapos sa Jan. 31.

Kaugnay nito, inaasahan ng poll body ang 1.5 million hanggang 2 million na mga karagadagang botante para sa BSKE.
#