Colorum tricycle, namamayagpag pa rin umano sa bayan ng Quezon, Palawan

Namamayagpag pa rin umano sa bayan ng Quezon, Palawan ang mga kolorum na tricycle hanggang ngayon.

Ang usaping ito ay tinalakay sa sesyong regular ng Sangguniang Bayan ngayong Martes.

Ayon kay SB Elson Rayoso na Chairman ng Comm. on Transportation, tila nagiging katawa-tawa na ang Lokal na Pamahalaan dahil nasa isip ng mga drayber ng kolorum unit na mukhang “ok” lang mamasada kahit illegal o kahit no permit.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ito ang bagay na ikinakadismaya ng mga lehitimong driver/ operator sa mga TODA sa munisipyo at nais na nilang masolusyonan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa kabila nito, nais ng mga mambabatas na maipatupad na sa lalong madaling panahon ang crackdown o panghuhuli sa mga ito sa tulong ng kapulisan at traffic enforcers.