College instructor, 1 taong gulang na bata at 6 na iba pa nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang isang college instructor at pitong iba pa sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Noong weekend, walong bagong kaso ang naitala sa naturang bayan na kabilang  sa 99 na kabuuang naitala sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Ang college instructor na nagpositibo sa sakit ay isang 42 anyos na babae mula sa Barangay Poblacion 2 na may patient code na Bicol No 24493. Siya ay close contact ng naunang kaso at walang nararamdamang sintomas.

Si Bicol No 24503 naman ay isang 32 anyos na babae na taga Barangay Mangcamagong. Mayroon itong travel history sa San Ildefonso, Bulacan at unang nakaranas ng sintomas noong August 24.

Wala namang travel history at “unknown” ang history of exposure ni Bicol No 24521 na isang 34 anyos na babae mula sa Barangay San Felipe. Unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong August 25.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Si Bicol No 24535 naman ay isang Administrative Aide, 23 anyos, babae na taga Barangay Bactas. Ang pasyente ay close contact ng naunang kaso at walang nararamdamang sintomas.

Ang iba pang mga bagong nagpositibo sa sakit ay sina Bicol No 24546, 61 anyos na lalake mula sa Barangay Langga, Bicol No 24902, 71 anyos na babae at Bicol No 24904, 40 anyos na babae na kapwa taga Barangay Poblacion1.

Ang pinakabata naman sa mga bagong nagpositibo ay isang taong gulang na batang babae mula sa Barangay Poblacion 2. Unang nakaranas ng sintomas ang bata noong August 27. Wala itong travel history at “unknown” ang history of exposure.

Ang mga bagong nagpositibo sa sakit ay nanatili ngayon sa mga isolation facility at iba’t- ibang ospital sa lalawigan.

Sa kabuuan, umaabot na sa  122 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan, 13 dito ay active cases, 100 ang gumaling at 9 ang nasawi.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang mga barangay na mayroong aktibong kaso ay Bactas (2), Langga (1), Lidong (1), Mangcamagong (1), Matnog (1), Poblacion 1 (2), Poblacion 2 (3), at San Felipe (2).

Batay sa case bulletin ng LGU, sa 29 na barangay ng naturang bayan, 11 ang nananatiling COVID- 19 free na kinabibilangan ng Angas, Binatagan, Caayunan, Hinampacan, Oliva, Pagsangahan, Plaridel, San Jose, San Pascual, Taba- Taba at Taisan.

Ayon sa Provincial Health Office,  lahat ng posibilidad ay kanilang tinitingnan kasunod ang nangyayaring tila mabilis na hawaan ng sakit na posibleng ang isa sa dahilan ay ang Beta variant

Mabilis rin daw kasi itong makahawa bagamat hindi kasing bagsik ng Delta.