Collector sa isang lending sa Legazpi City, tiklo sa drug buy-bust operation

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang binata matapos mahuli sa drug buy-bust operation sa Purok 2, Brgy. Rawis, lunsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si Gerald Esquillo y Cantal, 25 anyos, collector sa lending at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nadakip ito sa nasabing operasyon, kung saan pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinananiniwalaang “shabu” na tumitimbang na 0.3gram sa halagang PHP2,000.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Narekober sa kanya ang ilan pang piraso ng kaparehong item at iba pa.

Sa ngayon ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.