Cockpit arena operator, patay sa pamamaril sa Tanauan, Batangas

Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring pamamaril sa isang cockpit arena operator sa Brgy. Natatas, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan City Police Station ang biktima na si Joselito De Chavez, isang negosyante.

Batay sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima sakay sa kanyang sasakyan nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek, pasado 8:30 ng gabi noong Huwebes, Nobyembre 10, 2022.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay Lt.Col. Karlos Lanuza, hepe ng Tanauan CPS, sinabi nitong anggulong posibleng alitan na may kaugnayan sa kanyang negosyo ang kanilang tinitingnang motibo.

Inilunsad na rin umano ang masusing imbestigasyon sa naturang kaso at para sa ikadarakip ng hindi pa nakikilalang suspek.