Coastal clean- up at feeding program isinagawa ng HPG sa isang barangay sa Jose Panganiban

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng coastal clean- up ang PNP Highway Patrol Group nitong weekend sa baybayin ng Barangay Pagasa sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Katuwang ng “Guardians of the Highway” ang Jose Panganiban Municipal Police Station, Maritime , Barangay Council at Non- Government Organization sa pagsasagawa ng aktibidad.

Layon umano nito na lumikha ng kamalayan  sa kahalagahan ng pagpapanatiling malinis ang mga baybaying dagat at upang maiwasan ang tinatawag na “environmental destruction.”

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Paraan din ito upang paalalahanan ang komunidad sa responsibilidad ng bawat isa na pangalagaan ang kapaligiran.

Hindi naman natapos sa coastal clean- up drive ang aktibidad ng grupo dahil nagsagawa rin ang mga ito ng feeding program.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Tinatayang nasa mahigit kumulang isangdaang indibidwal ang nakinabang sa feeding program na nagdala ng ngiti lalo na sa mga bata.

Namigay rin ang grupo ng hygiene kit  sa mga residente.

Ang naturang aktibidad ay bahagi pa rin ng 26th Police Community Relation Month Celebration.

(Photos Courtesy: HPG)