Coast Guard nagpaalala sa mga mangingisda lalo na ang mga mga maliliit na bangka na palagiang i- monitor ang lagay ng panahon

CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Philippine Coast  Guard sa mga mangingisda partikular ang mga maliliit ang bangka na palagiang i- monitor ang lagay ng panahon at makinig sa advisory ng mga kinauukulan bago pumalaot.

Ito ay upang maiwasan ang disgrasya tulad ng nangyari noong nakaraang linggo kung saan tumaob ang isang fishing boat sa karagatang sakop ng Jomalig, Quezon sakay ang tatlong mangingisda mula sa Mercedes kung saan dalawa ang namatay habang isa naman ang nakaligtas.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, acting Public Information Officer ng Camarines Norte Coast Guard Station sinabi nito na kadalasang hindi nagpapaalam sa kanilang opisina ang mga maliliit na mangingisda kapag napalaot.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya mainam umano na palaging alamin ang lagay ng panahon lalo pa’t mas accessible na ngayon ang balita dahil sa internet.

Naniniwala naman si Rosales na posibleng nakaligtas ang dalawa kung walang sama ng panahon pero ang problema ay dadalhin umano ito ng current ng dagat palayo o patungo sa mas malalim at malawak na parte ng dagat.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kapag ganito raw kasing panahon ng habagat ay palabas ang current na kabaliktaran naman ng amihan.

Ito ang dahilan kung bakit narerekober agad ang katawan ng biktima sa hindi kalayuan tuwing amihan.

Hinimok din ni Rosales ang mga opisyal ng Barangay partikular ang mga kapitan sa coastal barangays na huwag magsawang paalalahanan ang mga maliliit na mangingisda sa kanilang nasasakupan.