Coal mining sa Ned, wala pang bayolasyon

KORONADAL CITY – ISINASAILALIM sa regular monitoring ng Multipartite Monitoring Team o MMT ang coal mining operation ng San Miguel Corporation (SMC) sa Barangay Ned, Lake Sebu.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na layon nito na masiguro na sumusunod sa standard at naaayon sa plano ang pagmimina sa naturang lugar. Inihayag ng gobernador na kung may makitang paglabag ang MMT sa coal mining operation, maaari itong ipahinto.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa ngayon, wala pa naman umanong bayolasyon ang kompanya. Ang MMT ay binubuo ng mga representante mula sa provincial government katulad ng Provincial Environment Management Office o PEMO at iba pang national line agencies at pribadong sektor. Samantala, inihayag ni Governor Tamayo na may commitment ang SMC na ibabalik ng mga ito ang top soil upang mataniman ng mga punongkahoy at iba pang crops.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school