COA, wala pang audit sa bilyon-bilyong pondo na ginamit sa pagbili ng COVID vaxx

Hindi pa nali-liquidate ng Commission on Audit (COA) ang bilyon-bilyong pondo ng publiko, na ginamit sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines, dahil nakatali umano ang mga kamay nito dahil sa non-disclosure agreements na pinasok ng gobyerno at ng vaccine suppliers.

Ito ang pahayag ni Senator Sonny Angara, na siyang dumedepensa para sa panukalang P13.1-billion budget ng state audit agency para sa 2023, matapos na matanong ni Senator Francis Escudero kung papaanu ginawa ng COA ang audit sa appropriations at mga utang na inilaan para sa pagbili ng bakuna, sa harap na wala namang mga reports mula sa mga ahensyang kinauukulan nito.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ayon kay Escudero, nakakuha lang siya ng impormasyon na naglaan ang pamahalaan ng nasa P300 billion para sa COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng news reports, dahil walang opisyal na impormasyon mula sa gobyerno.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Sinabi naman ni Angara na mayroong P8.93 billion sa ilalim ng 2021 national budget na inilaan para sa vaccine procurement at halos P70 billion naman mula sa foreign-assisted loans, habang mayroong iba pang appropriations para sa bakuna na isinama sa ibang mga batas.

Dagdag ni Angara, na nagsagawa na ang COA ng audit sa quantity at sa utilization ng mga bakuna, pero hindi sa aktuwal na pondo na ginamit para sa kanilang procurement. //MHEL PACIA