Cash remittances ng mga OFW, tumaas sa 2-month high noong Setyembre

Tumaas ang money transfers mula sa mga Pilipino at lumaki sa two-month high noong Setyembre, dahil sa growth sa remittances sa parehong sea-based at land-based overseas workers.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumalabas na ang cash remittances o money transfers na idinaan sa pamamagitan ng banko o formal channels ay nagkakahalaga sa $2.84 billion, na mataas ng 3.8% mula sa $2.74 billion noong September 2021.

Ito ang pinakamataas simula noong Hulyo, nang maitala ang cash remittances sa $2.917 billion.

Sa month-on-month, ang cash remittances noong Setyembre ay mataas kumpara sa $2.721 billion na naitala noong Agusto.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, na ang patuloy na pagtaas sa remittances ng mga OFW ay maaring dahil sa pangangailangan na magbayad ng mas mataas na presyo o inflation locally ng mga OFWs at ng kanilang dependents.

Ang pangangailangan din umano ng mas maraming cash para suportahan ang local spending ng mga dependents ng mga OFWs dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya tungo sa mas magandang normalcy, gaya sa edukasyon, August, tourism, shopping, leisure, at iba pa, ay maaring nagdulot sa mas mataas na cash remittances noong Setyembre. //MHEL PACIA