CNPPO Pulis Bantayog, nagbigay babala sa mga vlogger sa Camarines Norte kaugnay sa viral na kidnap prank gone wrong ng mga vlogger kamakailan

CAMARINES NORTE- Nagbigay babala ang CNPPO Pulis Bantayog sa mga vlogger sa Camarines Norte kaugnay sa viral na kidnap prank gone wrong ng mga vlogger kamakailan

Naalarma kasi ang mga kapulisan dahil sa marahas umanong paraan ng kanilang content na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa publiko

Ayon sa panayam ng Brigada News FM-Daet kay PLCOL ROGELYN C PERATERO, hindi umano lahat ng prank ay nakakatulong at hindi lahat ng prank ay mabuti at naaapreciate ng tao

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon, wala pa naman umanong kaparehong kaso na naviolate ang mga vlogger sa lalawigan ng Camarines Norte at wala pa rin naming nagreklamo sa mga vlogger.

Dagdag pa ni PLCOL PERATERO, bukod sa pagpapaalala sa social media, ay may ibat-ibang paraan pa umano silang ginagawa para mapaalalahanan ang mga vlogger at social media influencer

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Batid rin umano ni PLCOL PERATERO na ang pagba-vlog ay isang source of income kung saan kumikita ang mga vlogger sa kanilang mga content, ngunit wag sana umanong humantong sa sitwasyong makakapanakit na ng tao.