CNPH management target na maipalabas ang revised guidelines and policies sa Disyembre

CAMARINES NORTE- Target ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na maipalabas ang revised policies and guidelines sa buwan ng Disyembre.

Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng ospital sa flag raising ceremony Lunes ng umaga, November 15.

Kaugnay nito ay inabisuhan ang lahat ng unit section head na i- revisit ang lahat ng mga  umiiral na polisiya  dahil aayusin umano ito mula pagpasok hanggang paglabas ng pasyente.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Layon umano ng pamunuan ng ospital ang “patient satisfaction.”

Dahil dito ang bawat departamento tulad ng medical, nursing at administrative service ay hinihimok na mag come- up ng uniform design.

Ang mga polisiya ay ihahanda ng section head o kung sinumang responsible person na rerebyuhin ng department head.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Nasa Chief of Hospital naman ang final approval ng revised policies and guidelines.

Kumpiyansa ang pamunuan ng ospital na matatapos ito ngayong nalalabing panahon ng Nobyembre.