CNPH hindi na tatanggap ng pasyente sa payward simula sa unang linggo ng Hunyo

CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na simula sa unang linggo ng Hunyo ay hindi na ito tatanggap ng pasyente sa payward dahil sa mga pagbabagong nakatakdang gawin.

Ito ang inanunsiyo nitong Lunes ng umaga ni Provincial Health Officer I Dr. Walter Randolph Jalgalado sa flag raising ceremony na dinaluhan ng mga empleado ng ospital.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Jalgalado sa unang dalawang linggo ng Hunyo ay bababakenthin ang payward para ilipat dito ang surgery dahil aayusin ang surgical ward na siya namang paglilipatan ng pedia ward.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa Hunyo rin ay inaasahang magsisimula ang renovation sa pedia ward.

Ang hakbang na ito ay ginawa dahil ire- renovate ang pediatric ward na palalakihin at pagagandahin at pagkatapos nito ay ang medical ward naman.