CAMARINES NORTE – Sisimulan na ngayong araw ang pagdiriwang Civil Registration Month sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasama ang mga Local Civil Registrar sa iba’t- ibang bayan.
Ngayong araw ay bubuksan ang selebrasyon sa pamamagitan ng gagawing fun walk mula sa PSA Provincial Office patungo sa Barangay Bagasbas.
Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao layon ng aktibidad na palaganapin ang health and wellness at ipaalam sa publiko ang kahagalagan ng civil registration.
Magkakaroon din ng coastal clean- up at sa mga susunod na araw ay mayroong gift giving at information dissemination patungkol sa civil registration.
Magkakaroon din ng mobile registration na pagkakataon sa mga tao na may problema sa rehistro na maayos ito.
Bukod dito itatampok din ang mga kasalang bayan na tamang- tama ngayong buwan na tinaguriang buwan ng mga nagmamahalan.
Ang pagdriwang ng civil registration month ay sa bisa ng proclamation 682 ni dating Pangulong Corazon Aquino noong January 1991.
