City Mobile Force Company, niregaluhan ang tribong batak sa Puerto Princesa

Nagsagawa ng isang gift giving activity ang City Mobile Force Company sa tribong Batak sa Sitio Kalakwasan, Bgy. Tanabag Puerto Princesa City, Palawan.

Nitong ika-27 ng Pebrero 2023 ay tinungo ng CMFC ang lugar sa pangunguna ni Force Commander PLTCOL. Victor N Lacwasan at doon ay pinangunahan nito ang programa.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Namahagi ang City Mobile Force Company ng mga pananim na gulay, tsinelas, mga damit at bigas na malugod na tinanggap ng tribo.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Maliban dito, tinulungan din ng Kapulisan ang mga katutubo na gumawa ng basic irrigation system para sa kanilag pinagkukunan ng tubig kaya lubos ang kanilang pasasalamat sa kapulisan.