City gov’t ng Koronadal, nanindigan laban sa Yellow Bus

KORONADAL CITY — PANININDIGAN pa rin ng City Government of Koronadal ang posisyon nito sa isyu sa Yellow Bus Lines, Inc. o YBLI.

Ito ang inihayag ni City Mayor Eliordo Ogena sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan pinagbabatayan umano ng mga ito ang Revenue Code ng lungsod at Zoning Ordinance.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa ngayon, hinihintay na lamang umano nila ang kasong ihahain ng Yellow Bus upang masagot din nila ito.

Una nito, nagpalabas ng cease and desist order si Ogena laban sa private terminal ng Yellow Bus dahil sa umano’y kawalan ng business permit.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sinabi din nito na kailangan nilang maghigpit sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa lahat upang hindi na pamarisan pa ng iba.