Abot-langit ang saya ng dalawang masuwerteng nagwagi sa Milyong Saya Balik Biyaya Year 2 ng tig-P1 Million.

Ang unang instant milyonaryo na inihatid ng Drivemax Herbal Capsule ay si KaBrigadang Ronaldo Sente mula sa Cotabato City habang nakatanggap din ng P20,000 ang suki niyang parmasya na Daily Dose Pharmacy.


Ang ikalawa namang milyonaryo naman na hatid ng Powercells Herbal Capsule ay si Kabrigadang Julianita de Jose mula sa Cagayan de Oro habang nakatanggap din ng P20,000 ang suki niyang parmasya na Diamond Drugstore.
Ayon kay Sente, hindi siya kaagad naniwala na isa siya sa mga nabunot sa grand draw at saka na ito naniwala ng mismong ang kanyang anak at mga kaibigan na ang nagsabi.
Sinabi nito na matagal na siyang gumagamit ng Drivemax simula pa noong siya ay nagretiro sa kayang trabaho bilang seaman , pero kanyang nilinaw na first time niyang sumali sa paniniwalang siswertehen.


Isa sa kanyang plano na pagagamitan ng pera ang pagpapagawa ng boarding house.
Samantala sa panig naman ni Julianita ayon sa kanya na ang pagiging positibo ang isa sa kaniyang sekreto para Manalo.
Sampung taon na raw siyang gumagamit ng Powercells at ginawa na niya itong maintenance.
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng mga papremyo sa mga programa ng Brigada.

Nagpasalamat siya sa Brigada dahil magagawa na niyang tulungan ang kaniyang mga kaanak na naghihirap at makakabili na siya ng house and lot.
Ang tig-P1M Pesos na kanilang natanggap ay personal na binigay ng Brigada Group of Companies Chief Executive Officer at ‘Ama ng Brigada’ na si Brigada Elmer V. Catulpos.
Matatandaan na nagsimula ang promo noong Hulyo 15, 2022 at ang grand draw nangyari noong Disyembre 23.
Nakatanggap din ang limang mga Facebook Live viewers ng P500 worth of GCash.
#