City council hiniling kay Cong. Khonghun na magpasa ng panukala para sa pagbuo bilang Lone Congressional District of Olongapo

Nagpasa ng resolusyon si Kon. Jerome Bacay na humihiling kay 1st District Cong. Jay Khonghun na magpasa ng panukalang batas sa kongreso para sa pagbuo ng Lone Congressional District of Olongapo.

Paliwanag ni Bacay, sa ilalim nito ay magkakaroon ng sariling kongresista ang syudad na ang kanya lamang irerepresenta ay ang Olongapo.

Read More:  Cebu town probes alleged dog meat trade after viral video

Isa pa umano, ang magiging pondo ay magagamit para lamang sa mga proyekto ng lungsod at hindi na kailangan pang makihati sa ibang bayan katulad ngayon na kabilang pa ang syudad sa mga lugar na sakop ng unang distrito.

Dagdag pa ni Bacay, pasok na sa mga kwalipikasyon na kinakailangan pagdating sa dami ng populasyon, income, land area at iba pa ang Olongapo para maging lone district.

Read More:  Nearly 700 topless violators recorded in Davao City in one week

Nito pang nakalipas aniya na buwan ng Enero ay hiniling na rin ito kay dating 1st district Congressman at ngayo’y Castillejos Mayor Jeffrey Khonghun pero dahil inabutan na ng election period ay hindi na ito napag-usapan kaya ngayon ay nagpasang muli ng resolusyon si Bacay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO