Church leader ng isang kongregasyon na wanted sa pangagahasa, arestado

Arestado sa ginawang joint operation ng Botolan Police, Bongabon Mps, Oriental Mindoro Ppo, RMFB3, ZPPO Operatives at 1st PMFC ang isang church leader ng isang kongregasyon sa Botolan, Zambales.

Ayon kay Pmaj. Rolando Ballon, hepe ng Botolan MPS, ang suspek ay residente ng Bongabon, Mindoro at halos anim na taong nagtago sa bayan kung saan mayroon rin itong myembro ngayon sa lugar kung saan siya nagtago.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nahaharap ito kasong 5 counts of rape in relation to RA 7610 kung saan walang inirerekomendang pyansa.

Sa ngayon pansamantalang nakadetine ang suspek sa custodial facility ng Botolan MPS habang nasa lugar na rin umano ang mga pulis mula Bongabon MPS kung saan kukunin ang akusado para dalhin sa kanilang lugar.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Pinuntahan ito ng BNFM para kunan ng panig pero tumanggi na maging ang pamilya.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text