Christmas village sa Legazpi City, ibabalik ng LGU matapos ang 2 taong walang aktibidad dahil sa pandemya

Pormal nang ibabalik ang Christmas Village sa Sawangan Park, Brgy. Dap-Dap, lunsod ng Legazpi upang magkaroon ng buhay ang Pasko at bagong taon.

Ayon kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, hindi lang ang lokal na pamahalaan ang maglalagay ng mga dekorasyon dahil makikipagtulungan din ang mga pribadong establisimento sa lungsod sa pagsasaayos at pagpapaganda nito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Maliban sa nasabing village, maglalagay din ng mahigit sa 10 Christmas symbols at marami pang iba kung saan magiging tourist attraction muli ang lugar.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Binigyan-diin nito na hindi makikipagkumpitensya ang lunsod sa ibang munisipyo o syudad para sa pagandahan ng mga disenyo dahil ang bawat lugar ay may kanya-kanyang gawa ng dekorasyon.

Sinabi pa ng alkalde na ang mahalaga ay maramdaman ng Legazpeño ang diwa ng Pasko.