LEGAZPI CITY – Aabot sa 500 sako ng certified palay seeds ang natanggap ng Municipal Agricultural Services Office (MASO) mula sa Department of Agriculture (DA) Bicol, kung saan ang mga benepisyaryo ay ang Brgy. Pandan, Tagas, Malabog, Malobago, Busay at Gabawan.
Ito ay para sa dry cropping season ngayong Nobyembre 2022 hanggang Hulyo 2023 sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Layunin ng programa na makapagbigay ng interbensyon para sa mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o (RSBSA) lalo na sa mga rice farmers na mayroong palayan na hindi na tataas sa dalawang ektarya.
Ayon kay LGU Daraga Municipal Agriculturist na si Meljie Matociños, uunahing mabigyan ang mga benepisyaryong nasa irrigated areas habang ang hindi pa nakakatanggap ay kailangang maghintay sa abiso ng nasabing opisina.
Kinakailangan namang makipag-ugnayan ang mga benepisyaryo sa mga personahe ng MASO upang ma-avail nila ang benipisyo mula sa programa ng DA.