Ibinunyag ng aktres na si Cristine Reyes na annulled na ang kasal nila ng dating asawa na si Ali Khatibi.
Ayon sa aktres, magdadalawang taon na nila itong naproseso at hindi niya lang in-announce dahil wala namang rason para i-celebrate ito.
Maalalang nagpakasal sina Christine at Ali noong Enero 2016 at kumalat nga ang balita noong 2019 na naghiwalay na umano ang dalawa.
Karelasyon ngayon ni Chritine ang aktor na si Marco Gumabao, na tinanong din ni kung napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
Sagot ni Marco, napaguusapan naman nila ang future together pero inu-unti unti nila upang mas ma-cherish nila ang moments bilang couple
