Pumanaw na si Commission on Human Rights chairman Chito Gascon.
Ito ang kinumpirma ng kanyang kapatid na si Miguel sa pamamagitan ng isang facebook post.

Nakasaad sa naturang post ang katagang “Sa dami mong laban, sa COVID pa tayo na talo! Love you Kuya! RIP Chito Gascon.”
Kinumpirma rin ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline De Guia ang pagpanaw ni Gascon.
Magugunitang naging CHR chairman si Gascon noong 2015 matapos appointment ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Isa din si Gascon sa mga tumuligsa sa madugong drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos masawi ang libo-libong drug suspek dahil sa umano’y pang-aabuso sa police power.